Kinumpirma ng Department of Education Pangasinan II ang ukol sa umiikot na memo na nagpapatupad ng modular distance learning kung saan maglilipat muna sa modular distance learning ang mga paaralan na kanilang sakop mula elementary hanggang high school.
Ang pagpapatupad na ito ay dahil sa pinangangambahan o inaasahang pagtaas ng temperatura o init ng panahon dahil nararamdaman umano nila ang pangangailangan ng proteksyon maging ang kapakanan ng mga estudyante lalo na ang mga bata pati na rin ang mga guro.
Sa naturang memorandum nakasaad na ipatutupad ang pansamantalang modular distance learning simula ngayong araw, April 24 hanggang April 29, 2023 kung saan may lagda ito ng school division superintendent.
Samantala, kung matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay isa ang Dagupan city sa nakaranas ng mataas na heat index kung saan umabot ito sa higit 40°C. |ifmnews
Facebook Comments