MGA PAARALAN SA REHIYON UNO, PLANONG I-UPGRADE NG DEPED PARA MAS MAGING MATATAG KONTRA SA MGA KALAMIDAD

Dahil sa layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na mas maging matibay ang mga paaralan para mas maging handa sa lahat ng klase ng sakuna ay patuloy ang isinagawang pag-upgrade at pagsasaayos sa mga ito.
Ito ang tiniyak ni DepEd Region 1 Public Affairs Unit Head Joan Diaz-Sabado na hindi aniya humihinto ang kagawaran sa pagsasagawa ng mga inspeksyon upang maisaayos ang mga silid-aralan sa mga paaralan sa rehiyon uno.
Sinabi nito na hindi tumitigil ang kanilang hanay sa pagmomonitor sa mga paaralan sa pamamagitan ng Education Support Service Division ng ahensya sa lahat ng mga silid-aralan.
Samantala, sinigurado naman nito na sinisikap ng ahensya na magkaroon ng karagdagang mga paaralan na matatawag na isang matatag at resilient na masasabing kaya nitong harapin ang kahit anong sakuna sa susunod na mga panahon.
Ang kagustuhang makapagpatayo ng mga matitibay na mga paaralan ay dahil sa programa ng ahensya sa na “Matatag Agenda”.
Facebook Comments