Mga paaralan sa Shanghai, China, bubuksan na muli ngayong September 1 matapos ang ilang buwang lockdown dahil sa COVID-19

Bubuksan na muli sa September 1 ang mga paaralan sa Shanghai, China matapos ang ilang buwang lockdown dahil sa COVID-19.

Bahagi ng kanilang COVID-19 protocols ay imamandato ang lahat ng guro at estudyante na sumailalim sa nucleic acid test para sa COVID-19 araw-araw bago umalis ng paaralan.

Nanawagan din ang Education Commission ng Shanghai na magsagawa ang mga ito ng 14 araw na self-health management sa lungsod bago magsimula ang pagbubukas ng klase.


Mababatid na nagsara ang lahat ng paaralan sa China noong March bago isinailalim sa lockdown sa loob ng dalawang buwan mula April hanggang May.

Facebook Comments