Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang paglalaan ng dagdag na pondo sa mga paaralang mapipili sa pilot testing ng face-to-face classes.
Ayon kay Education Undersecretary for Finance Analyn Sevilla, bago pa ang pagbubukas ng klase nai-download na nito ang halos P4 bilyong karagdagang maintenance and other operating expenses (MOOE), para sa pagpapalakas ng new normal set-up at implementasyon ng minimum health standards sa mga paaralan.
Bukod dito, may naitabi rin aniyang contingency fund ang ahensya na maaaring ilaan sakaling kulangin pa ang pondo ng participating schools.
Muli namang ipinunto ng DepEd na isang shared responsibility ang pilot implementation ng F2F classes, kaya suportado ito ng Local Government Units (LGUs) maging ang Department of Health (DOH).
Sa ngayon, isinasapinal na ng DepEd at DOH ang pinal na listahan ng 120 participating schools para sa pilot testing ng face-to-face classes.