Isinagawa ng City Engineering Office ang serye ng inspeksyon sa mga gusali ng pampublikong paaralan upang matiyak na ligtas ang mga istruktura sakaling tumama ang malakas na lindol.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng disaster preparedness program ng lungsod, na layuning mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani sa panahon ng kalamidad.
Sa naturang inspeksyon, sinuri ng mga inhinyero ang kondisyon ng mga silid-aralan, poste, at iba pang pasilidad upang matukoy kung kinakailangan ng agarang pagkukumpuni o pagpapalakas ng mga ito.
Tiniyak ng pamahalaang lungsod na patuloy nitong bibigyang-prayoridad ang kaligtasan at kahandaan ng mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng pangkalahatang plano sa disaster risk reduction and management.









