Manila, Philippines – Nilinawni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. na hindi pa agad maibibigay sa mgamiyembro ng KADAMAY ang mga pabahay na kanilang inakupa sa Pandi, Bulacan.
Ayon kay Evasco na siyaring chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC),kailangan pang magkaroon ng evaluation sa mga kadamay members kung kwalipikadotalaga silang mabigyan ng pabahay at kung hindi pa sila nagawaran ng housingunit noon pero ibinenta o ipinauupa lamang sa iba.
Aniya, may legalquestion din sa paglilipat ng housing title dahil unang nailaan ang pondo samga sundalo at pulis.
Giit ni Evasco,kailangan maisaayos muna ang proseso at masunod ang batas para hindi silamakasuhan ng technical malversation of funds kung basta na lamang ilipat angpagmamay-ari ng mga pabahay sa KADAMAY.
Nauna ng pahayag ni PangulongRodrigo Duterte na hayaan na sa mga KADAMAY ang bahay ng mga sundalo at pulistutal naman daw ay mahirap din sila at para maiwasan ang kaguluhan.
Mga pabahay na inakupa ng KADAMAY, hindi pa agad na mabibigay
Facebook Comments