Manila, Philippines – Hindi pa ganap na maangkin ng KADAMAY ang mga inokupahan nilang mga pabahay sa Pandi, Bulacan.
Wala ni isa sa mga benepisaryong uniformed personnel ng AFP at PNP ang nagsusuko ng kanilang karapatan sa mga housing units na nai award sa kanila.
Ayon kay Susan Nonato, AFP/PNP Housing Project head ng NHA, marami sa mga benepisasryo ang gustong habulin ang pagmamay ari sa mga housing units dahil matapos mabalitaan na mas pinalawak na ang
floor area mula sa 40 ay 60 square meters na at gagawin nang duplex-type ang modelo ng mga pabahay na ibibigay sa mga sundalo at pulis.
Nasa 63,709 units ang naibigay na sa ilalim ng AFP/PNP program. Mula sa nasabing bilang, 60,265 units ang ganap nang naisalin o awarded na sa benipisaryo habang ang nalalabi ay sumasailalim sa “prequalification validation”.
Nakareserba naman ang 10,000 units sa mga naulila ng mga nasawi at nasugatan sa pagganap ng kanilang tungkulin.