Mga pabrikang lalayas sa China, dapat saluhin ng Pilipinas ayon kay Senator Marcos

Iminungkahi si Senate Committee on Economic Affairs chair Senator Imee Marcos sa gobyerno na maging agresibo sa paghikayat sa mga dayuhang manufacturer na nakaambang umalis ng China.

Ayon kay Marcos, dapat maging mabilis ang ating pamahalaan para hindi mapunta sa ibang bansa sa Asya ang mga negosyo na aalis sa China na siguradong maghahatid ng trabaho sa atin.

Diin ni Marcos, ang Pilipinas ay mayroong mahuhusay na mga manggagawa at mas marunong sa wikang Ingles kaysa ibang taga-Asya, pero kinakailangang maging mabilis at masusing pag-aralan ng ating mga economic manager at paglalatag ng insentibo.


Kaugnay nito, ay itinutulak ni Marcos ang Senate Bill 1024 na mag-aamyenda sa Foreign Investment Act para makapagtatag ng Investments Promotion Council at makapagdagdag ng mga insentibo para sa mga dayuhang investor.

Kabilang sa mga insentibong nakapaloob sa panukala ni Marcos ay ang pagtaas ng foreign ownership limit at pagbaba ng 2.5-million dollars na kailangang kapital para makapagsimula ng kanilang negosyo.

Kasama rin sa panukala ni Marcos ang pagpapadali sa pagkuha ng mga permit ng pamahalaan at gawing kasong kriminal ang anumang mga pagkakamaling may kinalaman sa pagkuha nito.

Facebook Comments