Mga pader sa center island sa San Dionisio, Sucat, Parañaque, nawasak dahil sa pagtaas ng baha

Unti-unti nang nagbabagsakan ang mga pader sa center island sa kahabaan ng Barangay San Dionisio sa Sucat Road, Parañaque dahil sa matinding pagbaha.

Nagkalat na rin ang mga pira-pirasong semento at mga bato mula sa bumigay na pader ng center island.

Todo-iwas naman itong mga motorista sa mga nagkalat sa kalsada na bahagi ng mga nawasak na pader.

Kaninang umaga hindi madaanan ng mga sasakyang itong bahagi ng San Dionisio dahil halos hanggang baywang ang baha dito.

Facebook Comments