Sa susunod na linggo ay plano ni Senate President Tito Sotto III na talakayin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pag-aalinlangan laban sa SOGIE Equality Bill.
Nagpahayag na si Pangulong Duterte ng suporta sa nabanggit na panukala.
Pero naniniwala si SP Sotto na hindi pa kasi naipipresenta sa Pangulo ang iba pang anggulo o panig ng panukala at ang posibleng epekto nito sa ibang sektor.
Diin ni Sotto, hindi maaring sa pagsusulong sa mga karapatan ng mga miyembro ng LGBT community ay matapakan naman ang karapatan at kapakanan ng iba lalo na ang mga kababaihan.
Dismayado si SP Sotto na umaangal ng diskriminasyon ang LGBT community pero ang SOGIE equality bill na isinusulong para sa kanila ay magbubunga naman ng diskriminasyon sa iba.
Sa tingin pa ni Sotto, may mga batas na ring umiiral ngayon kontra sa diskriminasyon.