
Kinondena ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang mga pag-atake ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga komunidad sa Mindoro.
Para kay Co, ang ganitong mga operasyon ng militar ay nagbibigay ng trauma at hindi proteksyon sa mga komunidad.
Base sa report ang nangyaring engkwentro sa Mindoro simula noong January 1 ay sa pagitan ng mga sundalo at umano’y mga miyembro ng New People’s Army.
Pero giit ni Co, dapat tuldukan na ang mga aerial attacks, troop deployments, red-tagging at harassment sa mga peasant leaders, mga kabataan, guro, at humanitarian workers.
Ayon kay Co, kung seryoso ang gobyerno sa kapayapaan, ay dapat nitong tugunan ang ugat ng armadong tunggalian na kinabibilangan ng kawalan ng lupa, kahirapan, kawalan ng disenteng serbisyo, at pag-abuso sa kapangyarihan.










