Manial, Philippines – Nababahala ang Palasyo ng Malacañang sa mga ginagawang pagatake ng New People’s Army sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang ginagawang pagatake ng NPA sa Mindanao ay lalo pang nagbibigay dahilan sa publiko na magdalawang isip kung dapat bang ituloy ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF
Sinabi ni Abella na nakakabahala ang mga aksyon ng NPA dahil ang kanilang mga pinuno na nasa Europa ay nagpahayag pa ng kondemnasyon sa nangyayari sa Marawi city at nagsabi pa sa kanilang puwersa sa baba na huwag umatake upang matutukan ng militar ang bakbakan sa Marawi City.
Ang mga ginagawa aniyang pagatake ng NPA sa Mindanao ay nakagugulo ng paghahanap ng kapayapaan.
Sa ngayon aniya ay dumadaan sa beripikasyon ang mga pagatake at saka lamang magdedesisyon ang pamahalaan kung ano ang gagawing hakban para ito ay masolusyunan.
Mga pag-atake ng NPA sa Mindanao, nakababahala na ayon sa palasyo
Facebook Comments