Maaring mag-tagal pa hanggang Disyembre ang nararanasang payanig sa Cotabato.
Ayon kay Phivolcs Seimologist Ismael Narag, batay sa kumpol ng episentro ng mga naranasang lindol mula noong July 9 hanggang ngayong araw October 31, iisa ang trend na halos magkakapareho o magkakatabi ang faults na gumagalaw.
Partikular na binabantayan ng Phivolcs ang Malungon fault na posibleng mag trigger ng 7.2 na magnitude na lindol.
Dahil dito, asahan na may mga pag-lindol sa Cotabato area hanggang mag-pasko dahil sa magalaw pa ring mga rock formations.
Abot na sa 37 ang aftershocks kasunod ng 6.6 magnitude na lindol kanina.
20 ang recorded.
12 ang natunton nila ang lokasyon.
Habang 5 ang felt o naramdaman ng mga residente.
Facebook Comments