
Mas nakatulong pa umano sa mga magsasaka ang ibinagsak na ulan ng Bagyong Bising.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa, batay sa inisyal na mga ulat, walang malaking pinsala sa mga pananamim dahil katatapos lang ang panahon ng anihan.
Mas nakatulong pa aniya ang mga ibinagsak na ulan upang mapatubigan ang mga sakahan ng mga magsasaka na nagsisimula nang magtanim.
Sa katunayan, nadagdagan ang lebel ng mga dam na pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon patungo sa mga sakahan.
Ani ni De Mesa, sa ngayon ay patuloy pa ang monitoring ng mga field offices sa pinsalang iniwan ng Bagyong Bising.
Nakahanda naman na aniya ang tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo, kabilang na rito ang tulong gaya ng palay, mais at assorted vegetable seeds maging ang drugs at biologics para sa mga livestock at poultry.
Mayroon na rin umanong available na mga fingerling mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipapamahagi sa mga mangingisda.
Maari ring mag-avail ang mga ito ng pautang mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kabilang na ang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitation ng mga apektadong lugar









