MGA PAGAMUTAN SA ILOCOS REGION NAKAHANDA AT NAKA-ALERTO SA MAAARING PAGDAGSA NG MGA BIKTIMA DAHIL SA MAINIT NA PANAHON

Dahil sa patuloy na nararanasang init ng panahon sa bansa, ilan lamang sa pinaghahandaan ng mga pagamutan sa bansa, partikular na sa Ilocos Region ay ang maaaring biktima ng mainit na panahon.
Nito nagdaang mga araw, nakapag-tala ang PAGASA ng nasa 46°Celsius na heat index kung saan ito na ang pinakamataas na naitala ng PAGASA kung saan ayon pa sa ahensya, maaari umanong marananasan ang nasa 50°C na heat index sa mga susunod pang mga araw partikular na sa ilang bahagi ng Central Luzon na Dagupan City, Cabanatuan City, Baler, Laoag City, Aparri at Tuguegarao.
Kaya’t dahil sa ulat na ito ng PAGASA, nakahanda na ang mga pagamutan sa rehiyon uno sakaling dumagsa ang mga pasyente dahil sa heat stroke at heat exhaustion.
Kaya’t mahigpit ang paalala ng ngayon ng mga pamunuan ng hospital na laging antabayan o imonitor ang sarili tuwing mainit ang panahon.
Ugaling gumawa ng paraan upang maibsan ang init, iwasan ang mga aktibidad na mabababad ang sarili sa ilalim ng Araw at laging uminom ng maraming tubig upang iwas, dehydration.
Facebook Comments