Nagbabala ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRNC) sa publiko na asahan pa ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam na posibleng magdulot ng mga pagbaha.
Sa interview ng RMN Manila kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, tuloy-tuloy pa rin ang mga pag-uulan bunsod ng tatlong weather system na nakakaapekto sa bansa.
Sa ngayon ay may apat na gate ang Magat Dam na bukas at patuloy na nagpapakawala ng tubig kaya nananatiling nasa critical level ang water level sa Buntun Bridge sa Cagayan.
Samantala, kinumpirma ni Timbal na nakapagtala sila ng walong nasawi, dalawang nasaktan at isa ang nawawala sa pananalasa ng Bagyong Vicky sa bansa.
Sa kabuuang, nasa 36,013 indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo sa Region 7, 8, 11 at Caraga habang aabot naman na sa P110.4 million ang pinsala sa imprastraktura.