Mga pagbati sa kaarawan ni VP Leni Robredo, bumuhos; senatorial candidate Atty. Sonny Matula, nagpaabot din ng pagbati

Nasorpresa si Federation of Free Worker President at senatorial candidate Sonny Matula ng piliin siya ni VP Leni Robredo na maging ika-12 senador sa kanyang slate.

Sinabi ni Matula na inendorso man siya ng ALL4Leni, hindi niya siya personal na kilala.

“All I know is that, we have a mutual open advocacy for social justice.” ani Matula.


“VP Leni has been known as a fighter for social justice-which, in the words of Justice Laurel in Calalang v.s Williams, means the ‘humanization of laws and the equalization of social and economic forces by the State so that justice in the rational and objectively secular conception may at least be approximated.’ ikaw na ikaw ito, VP Leni. Isinasabuhay mo ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pakikisalamuha at pakikinig sa tao, at paglalapit sa kanila ng gobyerno” pahayag pa ni Atty. Matula.

“I didn’t have personal contact then with VP Leni. All I knew was her advocacy for land for the landless farmers, before her election to Congress and as Vice President.” dagdag pa nito.

Ang pagtulong niya sa Sumilao farmers para makamtan ang kanilang lupang ninuno nang siya ay abogado pa ng SALIGAN ay resibo ng kanyang paninindigan para sa katarungang panlipunan, lalo na para sa mga nasa laylayan. To give more in law, to those who have less in life. At ngayon, ipinapakita niya na maaaring maging mahusay, matalino at matibay sa pambabatikos at paninira, habang pinananatili ang pagiging tapat at walang bahid na lingkod bayan.

Nare-red tag na rin si VP Leni dahil sa kanyang advocacy for social justice. Subalit di ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang pagsusulong sa kapakanan ng mga nasa laylayan.

“Naanticipate na ito ni Justice Laurel sa Calalang vs Williams kaya sinabi niyang, ‘social justice is neither communism, depotism nor anarchy but the humanization of laws and the equalization of social and economic forces by the state.’ Tuloy lang ang laban ng ating pambato na pangulo, saludo ako kay VP Leni sa kanyang tapang na ipaglaban ang mga nasa laylayan ng lipunan at dalhin ang kanilang interes at agenda sa gitna ng gobyerno at pamamahala.”

“Ngayon ay kaarawan mo, VP Leni, marahil ay angkop na ideklara na natin itong Social Justice Day! Happy Birthday, VP Leni! Ipapanalo natin ito, kasama ang Defender ng Manggagawa!” dagdag pa ni Matula.

Facebook Comments