
Isang walk-through ang isinagawa ng pamunuan ng Quiapo Church kaninang umaga.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na Semana Santa kung saan iba’t ibang aktibidad ang isasagawa ng simbahan.
Kasama ng pamunuan ng Quiapo Church na nagsagawa ng walkthrough ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, Hijos del Nazareno, at ilang volunteers na kasama sa paghahanda.
Ilang mga aktibidad ang idinaraos ng Simbahang Katolika tuwing Mahal na Araw.
Kasama na rito ang pagpuprusisyon sa imahen ng Jesus Nazareno tuwing Biyernes Santo na dinadaluhan ng libu-libong mga deboto.
Facebook Comments