Mga Pagkaing Nakatutulong sa Magandang Digestion

Tunay ngang napakasarap kumain, ngunit alam ba natin kung ano ang ating kinakain? Kung mabuti o masama ba ito sa ating tiyan. Maraming maaring makuhang kumplikasyon o sakit kung hindi tayo magiging maingat sa pagpili ng ating pagkain.

Narito ang iilang pagkain na maaring makatulong sa mabuting digestion o pagtunaw ng pagkain.

1. Mga Pagkaing mayroong Probiotics


Ang probiotics ay isang uri ng good bacteria na kinakailangan ng ating digestive system upang higit na matunaw ang pagkain. Ito ay nakatutulong upang matanggal ang toxins at maiwasan ang labis na pagdudumi. Ang ilang mga pagkain na maaring mapagkunan ng probiotics; Apple Cider Vinegar, kimchi,miso,pickles at unsweetened yogurt

2. Mga Pagkain mayroong Omega Acid

Mayroong iba’t ibang klase ng Omega acid tulad ng omega- 3, omega-6 at omega-9. Ang uri ng acid na ito nakakatulong sa pangangalaga ng ating digestive system. Tuna,salmon mackerel at iba pang lamang dagat ay kabilang sa omega-3. Manok,cereal,nuts at itlog naman ay uri ng omega-9 na nakakatulong upang magbigay lunas sa pamamantal na dulot ng iba’t ibang uri ng sakit.

3. Mga Pagkain mayroong Enzymes

Ang enzymes ay lubusang nakatutulong sa pagtunaw ng ating mga kinain at iba pang nangyayari sa ating digestive system. Ito rin ay isang paraan upang makaiwas sa sakit ni sikmura at iba pang digestive problem. Ang kimchi at luya ay ilan sa mga halimbawa.

4. Mga Pagkaing mataas sa Fibre

Ang fibre ay isa sa pangunahing kailangan ng ating tiyan dahil ito ang nagtatanggal ng dumi at toxins upang maiwasan ang pagtatae. Ang ilang mga pagkain na masagan sa fiber; sitaw,munggo, whole wheat na tinapay,brown rice,oats, at patani.

 


Article written by Avish Jazthine Manaloto

Facebook Comments