Mga pagpatay kaugnay sa war on drugs, hindi dapat ituring na mga numero lamang –  CHR

Manila, Philippines – Ipinahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi lamang usapin ng numero ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Ginawa ng CHR ang pahayag kasunod ng pagkabahala ng isang United Nations Human Rights commissioner sa lumalaking bilang ng mga nasasawi sa war on drugs.

Ayon kay UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachele, hindi biro ang 5,425 na pagkamatay sa war on drugs.


Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, hindi dapat nasasakripisyo ang karapatan sa buhay ng sinuman sa pagsisikap ng administrasyong Duterte na sugpuin ang sindikato ng droga.

Ani de Guia, dapat itaguyod ng gobyerno ang pinakamataas na antas ng pamantayan sa pagbibigay proteksyon sa karapatang pantao.

Pangunahing hakbang aniya rito ay ang pakikipagkaisa sa lahat ng human rights mechanisms ng UN, sa ilalim ng Human Rights Council.

Mahalaga rin aniya na palakasin ang ugnayan sa mga komunidad sa kampanya kontra droga.

Pumalag naman ang Philippine National Police (PNP) sa inilalabas na numerong UNHCHR dahil malayo umano ito sa reyalidad.

Facebook Comments