Manila, Philippines – Tiniyak ni Solicitor General Jose Calida na gagamitin nilang dahilan ang mga pagsabog sa Mindanao para panindigan ang Martial Law extension sa Mindano.
Bago pormal na nagsimula ang oral arguments sa Korte Suprema, nagsagawa muna ng executive session muna ang mga mahistrado
Sa panig ng pamahalaan, kabilang sa dumating sa Korte Suprema sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, ilang opisyal ng militar at PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Sa pagsisimula naman ng oral arguments, nagpakita ng powerpoint presentation si Major General Pablo Lorenzo, AFP deputy chief of staff for intelligence, hinggil sa now security situation in Mindanao.
Present naman sa oral arguments ang labing dalawang justices ng Supreme Court.