Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na mananaig at mapagtatagumpayan ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN ang mga problemang kakaharapin nito sa mga susunod pang taon.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa 50th celebration ng ASEAN ay sinabi nito na dapat ay magkaisa ang lahat ng miyembrong nasyon na gampanan ang kanilang responsibilidad upang makamit ang minimithing magandang buhay para sa lahat.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kagustuhan ng lahat na magkaroon ng mapayapang rehiyon kung saan namumuhay ng walang takot ang mga mamamayan mula sa mga massasamang elemento dulot ng katiwalian at transnational crimes.
Sinabi din ni Pangulong Duterte na kasabay ng pag-unlad ng ASEAN ay hindi dapat kalimutan ang mga nagpasimula nito.
Matatandaan na kabilang sa programa kanina ang pagkilala sa limang foreign ministers na nagsimula ng ASEAN kung saan tinanggap ng kanilang mga descendants ang parangal at kabilang dito si dating Pangulong Fidel Ramos na anak ni dating foreign affairs Secretary Narciso Ramos.