Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi galing sa Kanlaon Volcano ang pagyanig na naramdaman sa La Carlota City at mga kalapit lugar.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ng lupa ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plates.
Sa kabila nito, patuloy pa rin nilang inoobserbahan ang kondisyon ng bulkan Kanlaon na ngayon ay nasa alert level 1 status.
Samantala, hanggang alas-6:14 kaninang umaga umabot na sa 39 na mahihinang pagyanig ang naramdaman sa Carlota City sa Negros Occidental, matapos ang magnitude 4 .6 na lindol bandang alas-1:01 ng madaling araw na muling nasundan ng magnitude 4 na pagyanig bandang alas – 2 ng madaling araw.
Naramdaman din ang pagyanig sa Kanlaon City kung saan naitala ang Intensity 5, Intensity 3 naman sa Bago City Negros Occidental, Intensity 2 sa Sipalay City, Negros Occidental at Intensity 1 sa Iloilo City.