Mga pahayag na defective equipment ang ginagamit ng mga sundalo, walang basehan ayon sa Defense Department

Hindi totoo at walang pinagbasehan ang mga lumalabas na pahayag na defective equipment ang binibili ng Department of National Defense (DND) na ginagamit ng mga sundalo.

Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos ang pagbagsak ng isa sa mga C130 military aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sitio Amman, Barangay Bangkal Patikul, Sulu.

Nanawagan naman ang kalihim sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga impormasyong walang pinagbatayan dahil kawalan ito ng respeto sa pamilya ng mga nasawi at nasugatang sundalo.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa trahedya para matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng military plane.

Sa ulat ng Joint Task Force Sulu, sakay ng bumagsak na military aircraft ang mga bagong sundalong may ranggong private.

Sila ay idedeploy sana sa Sulu para makatulong sa paglaban sa terorismo.

Facebook Comments