Mga pahayag ni Atty. Harry Roque laban sa Kamara, hindi pinalampas ng isang kongresista

Mariing binatikos ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo ang sinabi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na pinupulitika ng House of Representatives ang pagtanggal sa confidential funds na hiningi ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang tanggapan at sa Department of Education na kanya ding pinapamunuan.

Tahasan ding kinswestyon ni Salo ang kredibilidad ni Roque na dating kinatawan ng KABAYAN Party-list sa Kamara pero natanggal dahil sa kanyang inasal o ginawa sa pagdinig ukol sa operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison noong 2017.

Diin ni Salo, isang kabalintunaan na ang katulad ni Roque na may hindi magandang background ang magli-lecture tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa politika.


Diin ni Salo, ang pagtanggal sa confidential funds ng ilang civilian agencies ay umaayon sa umiiral na patakaran at para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Duda rin si Salo sa tunay na motibo sa aniya’y walang basehan at hindi nararapat na pahayag ni Roque gayundin ang sinabi nito na mas dapat bantayang mabuti ng publiko ang extraordinary at miscellaneous expenses ng Mababang Kapulungan kumpara sa confidential funds.

Facebook Comments