Mga pahayag ni Dr. Anthony Leachon, nagdulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng IATF at NTF

Nananatili ang respeto ni Chief Implementer National Task Force (NTF) on COVID-19 Carlito Galvez Jr. kay Dr. Anthony Leachon na nagbitiw bilang Special Consultant ng NTF on COVID-19.

Sinabi ni Galvez, nagpapasalamat siya sa doktor dahil sa mga naiambag nito para malabanan ang COVID-19 sa bansa.

Pero dahil sa mga impormasyong inilalabas ng opisyal na nagdudulot ng gulo sa pagitan ng NTF at Inter-Agency Task Force (IATF) ay napilitan silang bitawan na ito.


Para kay Galvez, mahalaga na may maayos na ugnayan ang IATF at NTF para patuloy na makaisip at makagawa ng mga paraan kontra COVID-19.

Giit ni Galvez, constructive criticism ay walang problema lalo’t kung ito ay ikagaganda ng kanilang serbisyo pero dapat aniya ginagawa lamang ito sa grupo at hindi kailangang isapubliko para mapanatili ang pagkakaisa.

Matatandaang bago ang anunsyo ni Leachon na siya ay pinagbitiw sa pwesto, binanatan nito ang Deparment of Health (DOH) dahil sa umano’y kawalan ng focus sa pagbibigay ng prayoridad na ma-contain ang COVID-19.

Facebook Comments