Mga pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa isyu sa West Philippine Sea, ikinadismaya ni VP Robredo

Ikinababahala ni Vice President Leni Robredo ang mga nakaraang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu sa West Philippine Sea.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na seryosong usapin ang isyu sa West Philippine Sea at hindi dapat minamaliit ang naging desisyon ng arbitral tribunal.

Aniya, kasarinlan at soberenya ng bansa ang pinag-uusapan dito.


Hindi rin aniya totoo ang pahayag ng Pangulo na China ang may hawak sa West Philippine Sea.

Ikinadismaya rin ni Robredo ang paglabas ng mga ganitong pahayag sa panahong mas dapat nakatutok ang gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Nanghihinayang din siya sa pag-atras ni Pangulong Duterte sa debate sana nila ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Makakatulong sana ito para maging klaro sa publiko ang isyu sa West Philippine Sea.

Facebook Comments