Mga pahayag ni PBBM sa SONA kaugnay sa WPS, dapat irespeto ng China

Iginiit ni Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez na dapat irespeto at tanggapin ng China ang deklarasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na sa atin at mananatiling atin ang West Philippine Sea (WPS).

Binigyang-diin ni Rodriguez na malinaw sa mga pandaigdigang batas na ang WPS ay sakop ng ating 200-mile exclusive economic zone (EEZ) kaya marapat lang na ipaglaban ni Pangulong Marcos ang teritoryo at ating soberenya.

Sabi ni Rodriguez, nirerespeto rin naman ng Pilipinas ang claim ng China sa teritoryo nito ng problema inaangkin nito pati ang bahagi ng karagatan at mga isla na sakop ng ating EEZ.


Ayon kay Rodriguez, panahon na para pakinggan ng China at irespeto ang mga pahayag ni Pangulong Marcos para alang-alang sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan at harmony.

Facebook Comments