Wednesday, January 21, 2026

Mga pahayag ni Sen. Imee kaugnay sa impeachment ni PBBM, kwentong barbero lamang — Malacañang

Hindi pinatulan ng Malacañang ang mga pahayag ni Senadora Imee Marcos kaugnay ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang saysay na pag-aksayahan ng oras ang mga alegasyong itinuturing na walang basehan, puno ng haka-haka, at malinaw na may kinikilingan ang pinanggagalingan.

Kabilang ang paglalarawan nito sa impeachment complaint bilang isang drama series na umano’y tatagal ng isang taon.

Dagdag ng Malacañang, hindi ito makikibahagi sa mga usaping puro spekulasyon, lalo na kung wala namang matibay na ebidensiya.

Samantala, nananatili namang kalmado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng inihaing reklamo sa Kamara.

Facebook Comments