
Para sa Malacañang, bahagi ng destabilisasyon ang paratang ni Sen. Imee Marcos na gumagamit ng ilegal na droga sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kahit hindi tahasang nanawagan ang Senadora ng pagbaba sa puwesto, malinaw naman umano ang direksiyon ng pahayag na patalsikin ang Pangulo.
Giit pa ni Castro, hindi kailangan ng drama sa pulitika kundi trabaho ang kailangan.
Nakasalalay rin aniya kay Pangulong Marcos kung sasampahan ng kaso ang nakatatandang kapatid, lalo’t malinaw umanong libelous na ang mga binitawang akusasyon.3
Facebook Comments









