Mga pahayag ni VP Duterte laban sa korapsyon, tinuligsa ng lider ng minorya sa Kamara

Tinuligsa ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte na patuloy niyang lalabanan ang korapsyon at kasakiman ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Giit ni Elago, kwestiyonable ang integridad ng Bise Presidente sa usapin ng anti-corruption, lalo’t hindi pa umano nakakalimutan ng taumbayan ang isyu sa ₱125-million confidential funds ng Office of the Vice President na naubos umano sa loob lamang ng 11 araw.

Ipinunto pa ng kongresista na kung seryoso ang usapan tungkol sa paglaban sa korapsyon, hindi sapat ang aniya’y “mabulaklak na salita” ng ikalawang pangulo.

Diin ni Elago, ang nararapat sa mamamayang Pilipino ay isang lider na tunay na nagtataguyod ng transparency sa bawat hakbang, at hindi iyong nakikinabang sa bulok na sistemang nagpapanatili ng kapangyarihan at resources sa kamay ng iilan.

Dagdag pa niya, hindi dapat hayaang matakpan ang katiwalian sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na talumpati at mga recycled slogan.

Facebook Comments