Tuesday, February 10, 2026

Mga pahayag sa social media hinggil sa usapin ng West Philippine Sea, dapat masuring maigi —Grupong ABKD

Sa gitna ng mga kumakalat online hinggil sa West Philippine Sea, pinaalalahanan ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) ang publiko na maging mapanuri sa mga pahayag na nagpapahina sa tiwala ng bansa sa batas at sa sariling soberanya.

Ayon kay Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia ng ABKD, may mga ipinapakalat sa social media, kabilang kay Sass Rogando Sasot, na kailangang suriin nang mabuti lalo na kung ang epekto nito ay ang pagdududa sa mga karapatang matagal nang pinagtitibay ng international law.

Paliwanag ni Goitia, simple at malinaw ang batas na gerographical ang West Philippine Sea (WPS) samantalang ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ay isang ligal na sona sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Aniya, hindi kailanman pinaghalo ng Pilipinas ang dalawang ito kung saan ang karapatan ng Pilipinas sa karagatan ay hindi nakabatay sa katawagan, kundi sa umiiral na batas.

Hindi kailanman naging malabo ang paninindigan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal at ito ay ipinagtatanggol bilang bahagi ng exclusive economic zone ng bansa, kaya’t may karapatan ang Pilipinas na magpatupad ng batas, ipagtanggol ang likas-yaman, at panatilihin ang presensya nito.

Facebook Comments