Muli at mariin na pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection Provincial Pangasinan ang publiko ukol sa mga pailaw at maging wais na paggamit ng elektrisidad ngayong holiday season.
Ito ay para mabigyang siguro na walang mangyayaring fire incidents buong buwan ng Disyembre.
Isa sa mariing pinaalala ng BFP Pangasinan ay ang pag-iwas sa paggamit ng iisang extension para magsaksak ng lahat ng klase ng pailaw na ikakabit sa buong bahay lalo kung ito ay gawa sa light materials.
Pinaalala din sa publiko ang mga pailaw sana ay pasok sa standard quality at hindi uri ng substandard na nabibili lamang sa tabi-tabi.
Hiniling ng ahensya na maging responsable sa paggamit ng elektrisidad habang holiday season para iwas insidente tulad ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments