Mga pailaw, mas mabenta ngayon kaysa sa mga paputok

Mas tumaas ang demand ngayon ng mga pailaw kaysa sa torotot at iba pang paputok kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Philippine Fireworks Association Joven Ong, President – mas maraming customer ang bumibili ng fountains at sparklers dahil sa anti-firecracker campaign ng gobyerno.

Aniya, mas ligtas ding gamitin ang mga ito kaysa sa mga paputok.


Sa ilalim ng Executive Order no. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagbabawal ang mga indibidwal sa paggamit ng paputok o pagtayo ng sariling fireworks display.

Facebook Comments