Nananatiling “taboo” o ipinagbabawal na pag-usapan ang mga paksang sex, teenage pregnancy, sexually transmitted infections at HIV/AIDS sa mga Pilipinong tahanan.
Ayon kay Commission on Population (POPCOM) – National Capital Region (NCR) Director Lydio Español – hindi pa bukas ang mga magulang na talakayin ang mga ganitong paksa sa kanilang mga anak.
Aniya, mayroong “stigma” sa premarital sex.
Sinabi ni Español na mahalagang napapag-usapan ito sa bahay maliban sa mga natututunan sa mga eskwelahan.
Dahil hindi napapag-usapan ito sa bahay, ang mga bata ay naghahanap ng impormasyon sa mga “less reliable sources” gaya ng internet at mga kaibigan.
Dahil dito, patuloy na nag-iikot ang POPCOM katuwang ang Department of Health (DOH) sa mga eskwelahan at mga komunidad para sa pagbibibigay ng tamang impormasyon at kung ano ang mga gagawin hinggil dito.