Mga pakulo ng local celebrities nitong Valentine’s Day quarantine edition, alamin!

58

Kanya-kanyang peg ang ilang celebrities para gawing special ang araw ng mga puso para sa kanilang loved ones.

Nakatanggap ng Valentine’s Day quarantine edition si Barbie Forteza mula sa kanyang Boyfriend na si Jak Roberto matapos na i-convert ng aktor ang kanyang pick-up truck sa isang special date night spot para sa kanyang girlfriend.


Sinorpresa naman ni Xian Lim ang girlfriend na si Kim Chiu ng isang relaxing vacation trip sa Coron, Palawan.

Imbes naman na bouquet ng bulaklak, vegetable bouquet ang natanggap ni Mega Star Sharon Cuneta mula sa asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan.

Samantala, bouquet ng cash ang supresa naman ng aktres na si Kiray Celis sa kanyang mga magulang ngayong Valentine’s Day.

Facebook Comments