Mga palaboy sa ilang lugar sa Paco, Maynila, ni-rescue ng Manila City Government

Nagsagawa ng reach-out operations ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa pakikipagtulungan ng Barangay 674 Zone 73 sa mga palaboy sa kahabaan ng UN Avenue at Perez Street.

Sinuyod din ng rescue team ang mga palaboy sa paligid ng Manila City Hall, harapan ng Adamson University, kahabaan ng Taft Avenue, Pedro Gil, Peñafrancia St. at Canonigo St. sa Paco, Manila.

Sa kabuuan ay 28 indibidwal ang narescue ng MDSW sa lansangan kung saan mataas ang panganib na dapuan sila ng sakit lalo ng COVID-19.


Sila ay kinakalinga ngayon sa temporary shelter ng Manila City Government kung saan sila ay pinapakain at binibigyan ng kailangang medical assistance.

Ang regular na pagsasagawa ng reach-out operations ng MDSW ay alinsunod sa deriktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tulungan ang mga walang tahanan at palaboy sa lansangan ngayong may pandemya.

Facebook Comments