Mga palaboy sa Maynila, patuloy na kinakalinga ng pamahalaang lokal

Ngayong kapaskuhan ay tuluy-tuloy ang Manila City Government sa pagbibigay ng kalinga sa mga homeless at street dwellers na dumarayo sa lungsod.

Sa pamamagitan ito ng paglulunsad ng reach-out operations na pinangangasiwaan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

Ang mga rescued individuals ay binibigyan ng lokal na pamahalaan ng sapat na pagkain at serbisyong medikal habang pansamantala silang nanunuluyan sa Rasac Covered Court at sa Manila Boystown Complex.


Ayon kay Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, naglulunsad din ng film showing ang Manila Sports Council para sa nasasagip na mga palaboy sa lansangan upang kahit papaano po ay malibang din sila.

Tiniyak ni Moreno na patuloy na yayakapin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang ating mga kababayan na nangangailangan at walang maayos na tirahan.

Facebook Comments