MGA PALATANDAAN O MARKERS TANDA NG MALALIM NA BAHAGI NG ANGALACAN RIVER SA MANGALDAN, INILAGAY NA

Naglagay na ng mga palatandaan o markers ang mga kawani ng Mangaldan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) bilang tanda ng malalim na mga bahagi sa kahabaan ng Angalacan River sa bayan ng Mangaldan.
Bunsod pa rin ang masusing pagmomonitor sa ilog ng naitalang mga kaso ng pagkalunod o drowning incident sa nasabing kailugan.
Nalagyan ng mga palatandaan ang mga barangay ng Brgy. Nibaliw, Brgy. Tebag, Brgy. Salaan, Brgy. Pogo, Brgy. Palua, Brgy. Inlambo, Brgy. Macayug, Brgy. Embarcadero, Brgy. Osiem, Brgy. Navaluan, Brgy. Landas at Brgy. Guesang.

Layon nitong mabantayan ang kondisyon ng dinarayong Ilog maging ang kanilang kaligtasan.
Samantala, kasabay nito ay ang naganap din clean-up drive upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan para sa mga nasasakupan ng lugar. |ifmnews
Facebook Comments