Mga palengke, regular na nililinis sa Maynila

Puspusan ang ginagawang regular na paglilinis sa mga palengke sa Maynila tulad ng Paco Market, New Arranque Market, Central Market, Wagas Market, Pampanga Market, Divisoria Market at Sta. Ana Market.

Ang naturang hakbang ng Market Administration Office (MAO) ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na gawing malinis, ligtas at maaliwalas ang Lungsod ng Maynila.

Katuwang din ng MAO sa paglilinis sa mga palengke ang Department of Public Services at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.


Sila ang walang humpay na nagsasagawa ng flushing at sweeping operations sa bawat sulok at eskinita ng mga palengke, pangunahin ang Divisoria.

Kasabay nito ay mahigpit din ang tagubilin ni Mayor Isko sa mga Manileño na gawing masaya at ligtas ang pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga paraan ng pag-iingat laban sa COVID-19.

Facebook Comments