Mga palengke sa Mandaluyong City, isasara tuwing Lunes

Inihayag ng Mandaluyong City local government na lahat ng mga palengke sa lungsod ay isasara tuwing Lunes habang tumataas pa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Sa Facebook page ng Local Government Unit (LGU) inihayag nito na simula sa darating na Lunes, January 10, lahat ng mga palengke sa Mandaluyong City ay isasara upang bigyang-daan ang disinfection.

Hinikayat din ng LGU ang publiko na manatiling vigilante at parating obserbahan ang public health and safety protocols.


Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, mas mainam na magpabakuna laban sa COVID-19 at magpa-booster shot na upang madagdagan ang kanilang protection mula sa coronavirus.

Napag-alaman sa City Health Department (CHD) na ang lungsod ay nakapagtala ng 466 active COVID-19 cases noong January 5 kabilang dito ang 26,269 indibidwal na gumaling mula sa COVID-19 habang 572 naman ang nasawi.

Facebook Comments