Mga palengke sa NCR, sumusunod sa price ceiling sa pork products – DA

Nakikita ng Department of Agriculture (DA) na sumusunod na pa rin ang mga palengke sa Metro Manila sa umiiral na price ceiling sa pork products.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, ang mga pork vendors sa Dagonoy Market, Sta. Ana Market, at Mega QMart ay nagbebenta ng liempo at kasim o pigue sa halagang 300 pesos kada kilo at 270 pesos kada kilo.

Sa price monitoring ng DA sa mga palengke sa Metro Manila, ibinebenta ang karne ng baboy sa 350 pesos kada kilo.


Binanggit din ni Reyes na 7,409 na baboy ang naipadala na sa Metro Manila mula sa mga probinsya noong March 3 – karamihan sa mga baboy ay mula sa CALABARZON.

Sa kabuuan, ang Metro Manila ay nakatanggap na ng 115,909 na baboy at 721,354 kilos ng pork mula nang simulan ang supply augmentation.

Facebook Comments