Mga Palestinong lumikas sa Pilipinas, binigyan ng isang buwang visa

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binigyan ng isang buwang visa ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga Palestinong lumikas sa Pilipinas.

Partikular ang mga Palestinong asawa ng mga Pilipinang umuwi sa Pilipinas mula sa Gaza.

Ayon sa DFA, nasa kamay na ng Bureau of Immigration (BI) at ng Department of Justice (DOJ) kung palalawigin ang visa ng mga Palestino.


Sa ikalawang batch na dumating kagabi sa bansa, 7 ang mga Palestino at 41 ang mga Pinoy.

Sa ngayon ay nagpapahinga muna sila sa hotel na inilaan ng pamahalaan para sa repatriates na naapektuhan ng bakbakan ng Israel at Hamas militant group.

Facebook Comments