Simula sa Lunes, April 15 itataas na ng Bureau of Immigration (BI) ang seguridad sa lahat ng paliparan at daungan sa bansa.
Ito ay bahagi ng kanilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong papasok at palabas ng bansa sa Semana Santa.
Ayon sa BI, 50 opisyal nila ang itatalaga sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA na itatalaga sa arrival at departure area.
Inatasan na rin ng BI ang port operation division na mas higpitan ang kanilang screening para matiyak na walang makakapasok na mga undesirable alien at mapigilan ang mga posibleng biktima ng human trafficking na makalabas ng bansa.
Ipinagbawal na rin sa lahat ng tauhan ng immigration na lumiban sa trabaho hanggang sa April 22 maliban na lang kung may emergency.
Facebook Comments