Manila, Philippines – Mag-iinspeksyon ngayong araw ang pamunuan ng Manila International Airport Authority sa mga paliparan.
Kabilang sa bibisitahin ni MIAA GM Ed Monreal Ay Ang Ninoy Aquino International Airport Terminals 1, 2, 3 & 4.
Noong Biyernes, matatandaang sinimulang ipatupad ang Oplan Undas 2017.
Ito ay kasunod na rin ng pagdagsa ng ating mga kababayan sa mga paliparan kaugnay ng paggunita sa Undas.
Kasunod nito, nagdagdag ng mga airport personnel at pinatutupad ang no leave policy sa kanilang mga tauhan ngayong Undas.
Sa ngayon, mahigpit na seguridad ang pina-iiral at pinapayuhan ang mga biyahero na agahan ang pagpunta sa airport.
Facebook Comments