Mga paliparan na napinsala ng Bagyong Julian, balik na sa normal na operasyon

Balik na sa normal na operasyon ang lahat ng mga paliparan sa Regions 1 at 2.

Ito ay matapos ang pananalasa ng Bagyong Julian sa naturang mga rehiyon.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, maging ang Basco Airport ay operational na rin.


Ang naturang paliparan kasi ay napuruhan sa pananalasa ng Bagyong Julian.

Bukod sa natuklap ang bubong ng Basco Airport, nilipat din ang outpost ng mga guwardiya sa nasabing airport.

Patuloy naman ang pagkukumpuni sa mga nasirang bahagi ng paliparan sa Basco.

Facebook Comments