Mga paliparan sa bansa, hinigpitan dahil sa posibleng pagpasok ng African swine flu

Mas pinaigting ng Department of Agriculture (DA) ang seguridad sa mga paliparan sa posibleng pagpasok sa bansa ng African swine fever (ASF) kasunod ng outbreak ng ASF sa Hong Kong.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, inatasan na niya ang Bureau of Animal Industry (BAI) na magpatupad ng mas mahigpit na patakaran sa pagpasok sa bansa ng mga meat products mula sa Hong Kong.

Matatandaang una nang ipinatupad ng DA ang ban sa mga meat products mula sa Hong Kong.


Ang mga pasahero na magpapasok sa bansa ng mga meat at agricultural products ng walang kaukulang permiso partikular mula sa mga bansang apektado ng ASF ay pagmumultahin ng aabot sa P200,000.

Facebook Comments