MANILA – Pinaaalerto na ng Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP) ang lahat ng airport staff na magpatupad ng kinakailangang health at safety measures sa mga paliparan kontra sa Zika Virus.Sa memorandum na inilabas ng CAAP – ipinag-utos na sa mga airlines, airport authorities at airport medical personnel na gawin ang angkop na precautions para mapigilan ang pagpasok ng Zika Virus sa bansa.Ayon kay CAAP Director General William Hotchkiss III, kabilang dito ang pag-disinfect ng mga airline companies sa mga eroplano para mamatay ang mga lamok na nasa loob nito.Bukod rito – ipinag-utos na rin ng CAAP sa Bureau of Quarantine (BOQ) na manatiling nakaalerto at i-quarantine agad ang mga pasaherong makikitaan ng sintomas ng virus.Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng International Civil Aviation Organization (ICAO) sa World Health Organization (WHO) para mapigilan ang pagkalat sa ibang bansa nang virus.Una nang idineklara ng WHO ang Zika na international health concern noong Pebrero 1 kung saan apektado na ang 33 na bansa. (DZXL 774 // Jennifer D. Corpuz – Writer)
Mga Paliparan Sa Bansa – Inalerto Na Ng Civil Aviation Authority Of The Philippines Para Sa Health At Safety Measures Ko
Facebook Comments