Mga paliparan sa bansa, naka-heightened alert status na kaugnay ng nalalapit na Undas

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naka-heightened alert status na ang lahat ng commercial airports sa bansa kaugnay ng nalalapit na Undas.

Kasunod din ito ng serye ng bomb jokes at bomb threats na natanggap ng ilang paliparan sa bansa.

Inatasan din ng CAAP ang kanilang 12 Area Managers na magpatupad ng maximum deployment ng service at security personnel.


Bunga nito, pinapayuhan ng CAAP ang lahat ng pasahero na agahan ang pagtungo sa paliparan dahil sa mas matinding inspeksyon sa bagahe na ipatutupad sa mga airport.

Facebook Comments