Mga paliparan sa Bicol Region na binayo ng Bagyong Ulysses, nananatiling operational

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na operational ang lahat ng paliparan sa Bicol Region na dinaanan ng Bagyong Ulysses.

Kabilang dito ang Virac Airport na walang naitalang bagong pinsala ng bagyo.

Ligtas din ang mga tauhan ng paliparan nang bayuhin ang rehiyon maghapon kahapon ng Bagyong Ulysses.


Maging ang Naga Airport sa Camarines Sur at Legazpi Airport sa Albay ay operational at walang bagong damages sa mga pasilidad ng paliparan.

Kinumpirma rin ng CAAP na maging ang iba pang mga paliparan sa Luzon na dinaanan ng Bagyong Ulysses ay walang bagong pinsala at ang lahat ng airport personnel ay accounted partikular sa Jomalig Airport , Baler Airport, San Jose Airport at mga Mindoro airports (Calapang, Lubang, Mamburao, Pinamalayan at Wasig).

Facebook Comments